162

Dec 10, 2017 @ 14:35

Anak ni Janet Napoles, absuwelto sa tax evasion case

Ibinasura ng Court of Tax Appeals (CTA) Third Division ang P17-million tax evasion case laban kay Jeane Catherine Napoles, ang anak ng diumano’y pork barrel scam mastermind na si Janet Lim-Napoles.

Ibinasura ng korte ang kaso laban kay Napoles dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Si Jeane ang inakusahang hindi nagbabayad ng buwis mula 2011 hanggang 2012 dahil sa diumano’y pag-aari nito na P54.73 milyon sa Ritz Carlton condominium unit sa Los Angeles, California.

Siya din ay co-owner din ng P1.49 milyon na lote sa Pangasinan.

Kattuwiran ni Jeane, estudyante pa lang siya noong at walang taxable income. Aniya, regalo lang umano sa kanya ng kanyang ina ang nasabing property.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?