770

By , , ,

Anak ni Jackie Chan, sa ilalim ng tulay nakatira dahil sa ‘homophobic parents’

Sharing is caring!

Nag-ingay noon ang anak ni Jackie Chan na si Etta Ng dahil sa pagrereklamo sa hindi magandang relasyon nila ng kanyang ama, at sinasabing hindi nag-e-exist si Jackie sa kanyang buhay.

“I will never regard him as a father,” sabi niya noon sa The Dailymail.

“I would not say that he is my dad. I would say, ‘Oh, Jackie Chan, an actor’.”

Ngayon ay nagpapasaklolo na ito dahil sa kawalan na ng matitirhan kasama ang kanyang girlfriend na si social media influencer Andi Autumn.

Sa video makikita ang 19-anyos na si Etta, na ipinakilala ang kanyang sarili bilang “Jackie Chan’s daughter”, at sinabing homeless sila ngayon dahil sa kanyang “homophobic parents”.

Ayon pa kay Etta, napilitan silang matulog sa ilalim ng tulay dahil hindi sila matanggap ng kanyang magulang dahil sa kanyang kasarian.

“We’ve been homeless for a month due to homophobic parents. We pretty much slept under a bridge,” aniya.

“I don’t even understand what’s going on.

“We’ve gone to the police, we’ve gone to the hospital, the food banks, LGBTQ community shelters and all of them just don’t give a shit. So that’s why we’re making this video.

“We don’t know what to do,” dagdag pa niya.

Bago nakiusap na i-share ang video nila at humingi ng suporta, sinabi pa ni Etta na: “We just want to let people know what’s going on… It just seems ridiculous that no one can help.”

Si Etta ay anak ni Jackie sa aktres na si Elaine Ng Yi Lei o Elaine Wu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?