Anak ni Farrah Fawcett, nangholdap ng 7-Eleven, timbog

Sharing is caring!

Naaresto rin matapos tumakas ang anak ni American actress Farrah Fawcett na si Redmond O’Neal nang holdapin ang isang branch ng convenience store.

Ayon sa ulat ng Fox News, tinutukan ng patalim ni O’Neal ang store clerk ng 7-Eleven sa Los Angeles at nag-demand ng pera saka tumakas.

Rumesponde agad ang mga awtoridad sa tawag hinggil sa ginawa ng Redmond kaya’t naaresto ang 33-anyos na si O’Neal.

Nagtakda ng piyansang $50,000 para sa pansamantala nitong kalayaan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nadakip ang anak ni Fawcett.

Noong 2008, si O’Neal at ang kanyang ama na si actor Ryan ay naaresto na rin dahil sa possession of a controlled substance.

May history na rin ng pag-aadik mula pa noong kabataan nito si O’Neal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?