Nagpasalamat ang anak ng dating gobernador ng Cavite na si Erineo “Ayong” Maliksi kay Governor Jonvic Remulla para sa pagpapahintulot nitong malagak ang kanyang ama sa pamahalaang panlalawigan ng Cavite.
“Taos pusong pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite sa pangunguna ni Gov. @jonvicremulla para sa pagkakataong inyong ibinigay upang makalagak ang aking ama sa kanyang naging tahanan ng ilang taon,” saad ni Emmanuel Maliksi, alkalde ng Imus, sa isang tweet.
Taos pusong pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite sa pangunguna ni Gov. @jonvicremulla para sa pagkakataong inyong ibinigay upang makalagak ang aking ama sa kanyang naging tahanan ng ilang taon. pic.twitter.com/jYR5g7OlZ4
— Emmanuel Maliksi (@EmmanuelMaliksi) March 4, 2021
“Maraming salamat din sa pagkilala sa kanyang dedikasyon at pagseserbisyo. Naging malaking bahagi ng buhay ni Gob Ayong ang kapitolyo at mga kawani nito, na kanyang naging katuwang sa pagsasabuhay ng kanyang mga pangarap para sa bawat isang Caviteño,” pagpapatuloy niya.
Bukod kay Remulla, ipinakita din nina dating vice president Jejomer Binay, Sen. Ping Lacson, chief presidential legal counsel Salvador Panelo, at pamilya Revilla ang kanilang pakikiramay sa pagpanaw ng dating gobernador.
Dumalo sa ikalawang araw ng paglalamay sa mga labi ng ating mahal na Gob Ayong sina former Vice Pres. Jejomar Binay, Sen. Ping Lacson, Jay Lacson, (1/n) pic.twitter.com/pHdgtlOfm0
— Emmanuel Maliksi (@EmmanuelMaliksi) February 26, 2021
Cong. Alex Advincula, Cong. Jon-jon Ferrer, Cong. Dahlia Loyola, General Trias Mayor Ony Ferrer, Carmona Mayor Roy Loyola, (2/n) pic.twitter.com/BfN4kFMsy4
— Emmanuel Maliksi (@EmmanuelMaliksi) February 26, 2021
at Cong. Boy Blue Abaya. (3/n) pic.twitter.com/kNVOwMcbuD
— Emmanuel Maliksi (@EmmanuelMaliksi) February 26, 2021
FUNERAL MASS FOR GOB AYONG MALIKSI
February 26, 2021
Villa Emilia Farm, Malagasang 1-AKasama si Fr. Randy De Jesus, samahan niyo kami sa pag-aalay ng panalangin para sa ating minamahal na dating Gobernador, Ayong S. Maliksi. pic.twitter.com/X0PTSc0sex
— Emmanuel Maliksi (@EmmanuelMaliksi) February 26, 2021
Nito lamang Pebrero 24 nang pumanaw si “Ayong” sa edad na 82.
BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/ex-cavite-gov-maliksi-patay-na/