82

Oct 2, 2021 @ 10:31
By

Anak ni Enrile tatakbong Cagayan cong

Naghain ng certificate of candidacy ang anak ni dating Senate President Juan Ponce Enrile para sa pagtakbong kinatawan ng 1st District ng Cagayan sa 2022 elections.

“Opisyal na po! Excited na akong maglingkod sa inyo, mahal kong mga Cagayano!” saad ni Katrina Ponce Enrile, 61, sa Facebook post.

Batay sa kanyang COC, tatakbo ang businesswoman sa ilalim ng partidong Lakas-CMD.

Naging Cagayan 1st District representative din ang kanyang amang si Juan Ponce mula 1992 hanggang 1995.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?