140

Jan 4, 2022 @ 11:20
By

Anak ni Edu kay Rina Samson ikakasal na

Engaged na ang anak ni Edu Manzano na si Amanda Danielle, o si Addie.

Si Addie, na anak ni Edu sa dating model na si Rina Samson, ay nakatakdang ikasal kay Jared Glassman.

Binati ni Edu ang anak sa kanyang Instagram post.

“This little lady just got engaged to a great guy. Didn’t dawn on me that Addie is now all of 28,” saad ni Edu sa caption, kung saan pinost niya ang larawan kasama ang anak noong sanggol pa ito.

“Am very happy I went to NY last October to see how much they loved each other. Welcome to the MANZANO Family Mr. Jared Glassman. I wish you both all the love in the world,” dagdag pa ng aktor.

Noong 2013 ay hindi tinanggap ni Edu ang mga alok kay Addie na pumasok sa showbiz. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?