225

Mar 3, 2021 @ 22:05
By

Anak ni Eddie Garcia nasa ICU, pamilya humiling ng dugo

Kasalukuyang nakikipaglaban para sa kanyang buhay ang anak ng namayapang aktor na si Eddie Garcia.

Sa Facebook post ng anak ni Erwin Garcia, humihiling ang kanilang pamilya ng tulong sa sinumang maaaring mag-donate ng dugo para sa kanyang ama.

“Hello Daddy’s friends and all good samaritans out there. Dad is currently in the ICU fighting for his life. My family and I are asking for help for blood donation/s. If you want to donate, pwede po pumunta sa Cardinal Santos Medical Center between 7am to 7pm. Punta lang po sa blood bank sa Cardinal, sa may laboratory office located then sabihin donating for Erwin Scharnberg Garcia,” anang anak ni Erwin.

“Thank you in advance for your help po. We will highly appreciate it especially A+ donations which he badly needs right now.. but of course any blood type is also a great help. And prayers, too. Thanks again!” dagdag niya.

Reposting:

Hello Daddy’s friends and all good samaritans out there.

Dad is currently in the ICU fighting for his life….

Posted by Erwin Garcia on Tuesday, March 2, 2021

Matatandaang si Erwin ang nagbunyag noon na gusto ni Eddie Garcia na ikalat sa Manila Bay ang kanyang abo.

Ani Erwin, noong nasa military pa ang kanyang ama ay ginanap ang deployment nito sa Luneta kaya nais ng beteranong aktor na ikalat ang abo nito sa nabanggit na dagat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?