38
Catriona
By

Anak ni Desiree Verdadero kaagaw ni Catriona sa Miss Universe-PH title

Sharing is caring!

Matindi ang competition sa Bb. Pilipinas 2018 dahil bukod kay Miss World Philippines 2016 Catriona Gray, kasali rin sa naturang contest ang law student at Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific International 2014 na si Eva Patalinjug at si Aya Abesamis, ang anak ng former top model-doctor na si Denden Abesamis at ni Miss Universe 1984 3rd runner up Desiree Verdadero.

May mga nagsasabi na hindi dapat maging kampante si Catriona dahil malaki rin ang chance na makuha ni Aya ang Miss Universe Philippines 2018 crown.

Minana ni Aya ang morena beauty ng kanyang ina na top model din noong dekada ’80. Twenty five years old na si Aya at para sa mga beauty pageant expert, perfect ang edad niya para sumali sa Bb. Pilipinas 2018.

Anim na beauty title ang naghihintay na mapanalunan ng official candidates ng Bb. Pilipinas 2018 pero ang Miss Universe Philippines crown ang tina-target ng mga aspiring beauty queen na gustong sundan ang yapak at matikman ang fame and fortune na naranasan nina Gloria Diaz, Margie Moran at Pia Wurtzbach.

Sa March 18 ang grand coronation night ng Bb. Pilipinas 2018 sa Smart Araneta Coliseum at mapapanood ito sa ABS-CBN.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?