466

Jun 26, 2022 @ 20:19
By

Anak ni Dennis nagsalita sa isyung pang-iisnab: Sinisigawan, minumura mo kami

Nagsalita na ang anak ni Dennis Padilla kay Marjorie Barretto na si Leon ukol sa isyung pang-iisnab sa noong Father’s Day.

Sa Instagram, naglabas ng mensahe si Leon para sa kanyang ama.

Dito nakasulat na nagdalawang-isip siya na batiin si Dennis dahil hindi niya umano alam kung saan lulugar sa ama.

“Sorry if I wasn’t able to greet you a ‘Happy Father’s Day.’ It’s always been an awkward day for us cause we never seem to know where we stand with you every year. I’ve always envied people who never even have to think twice about greeting their dads a ‘Happy Father’s Day,'” paliwanag ni Leon.

Aniya pa, lagi umanong sinisira ni Dennis ang kanilang binubuong relasyon sa tuwing ipinapaalam nito sa media ang kanilang pribadong buhay.

Ibinunyag din ni Leon na may pagkakataong sinusubukan nilang makipag-ayos kay Dennis subalit dumarating sa punto na sinisigawan sila nito at minumura na siyang dahilan kung bakit sila nagkakaroon ng trauma.

“It’s not that we don’t want to talk to you, but the few times that we do to resolve the issues, you communicate by shouting, cursing, and using hurtful words that traumatize us,” pagbubunyag nito.

Sinabi rin ni Leon na nasulat niya ang mensahe sa ama bilang pagprotekta sa kanyang mga kapatid na sina Julia at Claudia mula sa mga pambabatikos na natatanggap.

Sa huli, hiniling ni Leon na sana ay huwag na sila ipahiya ng ama sa social media sa tuwing nagkakaroon sila ng hindi pagkakaintindihan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?