393

Jan 5, 2021 @ 18:37
By

Anak ni Claire dela Fuente suspek sa Dacera rape-slay

Iginiit ng beteranang singer na si Claire dela Fuente na hindi nagtatago ang anak niya, na kabilang sa mga suspek sa panghahalay at pagpatay sa flight attendant ng Philippine Airlines.

Umapela rin siya sa mga netizen at sa ina ng biktimang si Christine Angelica Dacera, 23, na huwag husgahan at i-trial by publicity agad ang anak niyang si Gregorio Angelo de Guzman at iba pang suspek.

“I feel sorry for her. Naintindihan ko totally ang nararamdaman niya, ‘yung rage, I understand that. Sobrang masakit para sa isang ina ang mawalan bigla ng anak. Di ko rin kakayanin,” pahayag ni Dela Fuente sa panayam sa ANC nitong Martes.

“Pero sana naman may balancing act, maging resonable tayo para ‘di tayo makasakit ng mga inosente at makapagbiktima ng ibang tao. Let’s not put innocent people in jail,” dagdag niya.

“Pairalin naman natin ang logic! At hindi totoo na nagtatago ang anak ko. From the start, andiyan lang siya following police advisory. At ano ‘yung case na provisional homicide rape? Ngayon ko lang narinig ‘yon. Together with our lawyer, I am here to support my son,” giit pa niya.

Binanggit din niya na isa pa nga ang anak niya sa nagsumikap na mailigtas ang buhay ng biktima matapos matagpuang walang malay sa isang hotel room.

“Siya ang nag-CPR sa kanya. Gusto niya talagang mabuhay ‘yung tao, kaya siya tumawag sa akin that time. Iyak siya nang iyak. He was so frustrated because he wanted to save her life but was not able to,” kuwento ni Dela Fuente.

Tiwala rin ang singer na malulusutan ng anak niya ang rape with homicide case.

“This is so unfair but I know that God has a reason for all of this… The truth is on our side and I am confident na malulusutan ito ng anak ko,” dagdag ni Dela Fuente

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?