56

Dec 5, 2021 @ 15:18
By

Anak ni Cherry Pie boto sa bago niyang relasyon

Suportado ng anak ni Cherry Pie Picache na si Nio Tria ang bago nitong natagpuang lovelife kay Edu Manzano.

“Oo, approve ako. Siyempre sinu-support ko ‘yung mom ko kasi malaki na siya,” pahayag ni Trio sa panayam nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin nitong Sabado.

“Alam na niya ang mga ginagawa niya. Matanda na siya, alam na niya ‘yun,” aniya.

Ayon pa kay Nio, karapatan ni Cherry Pie na maging masaya.

“Mama’s boy ako pero siyempre she deserves her own happiness din, di ba? I mean, ‘yung pagkakaroon ng relationship with someone else doesn’t remove the fact that she is still my mom,” dagdag pa ni Nio. “She deserves love. I just want my mom to be happy kaya support ako sa kanya, support ako sa kanila.”

“Alam ko naman na nililigawan ni tito Edu ‘yung mom ko. Nung nalaman ko na nabalita na, ‘Ah, ok, good, nabalita na. Sana ok yung reaction ng mga tao,'” dugtong pa ng binata.

Si Nio ay anak ni Cherry Pie sa dating partner na si Gary Tria.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?