157

Jul 16, 2021 @ 19:43
By

Anak ni Bitoy ga-graduate sa Ateneo

Ga-graduate na ng kolehiyo ang anak ni Michael V.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Brianna ng larawan habang nakasuot siya ng toga.

Magtatapos siya sa Ateneo de Manila University ng Bachelor’s Degree in Fine Arts Major in Theatre Arts.

“#gradwaiting,” caption ni Brianna.

Binati siya ng kanyang amang si Bitoy.

“Beauty and brains! Proud of you baby girl! Love you!” sey ng komedyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?