323

By

Anak ni Bato, ganap nang kadete ng PNPA

Sharing is caring!

Kinilala na bilang isang full pledge cadet ng Phillipine National Police Academy (PNPA) ang anak ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa na si Rock dela Rosa.

Ito ay matapos na makapasa sa mahirap na physical at mental training ng PNPA.

Ibig sabihin nito, kapatid na ngayon ang turing ng mga upper classmen sa Hinirang Class of 2021 na kinabibilangan ni Rock.

Sa talumpati Dela Rosa bilang guest of speaker sa ginanap na recognition rites, sinabi nitong may tatlong mahalagang bahagi ang pagpasok sa PNPA, ito ay ang incorporation, recognition at graduation.

Sa tatlong ito, ang recognition ang pinaka-importanteng malampasan dahil dumadaan muna sa physical at mental training ang isang kadete bago ma-recognize.

Pero upang makarating hanggang graduation, kailangan nilang mag-aral nang mabuti at sumunod sa mga patakaran ang isang kadete.

Sinabi naman ng hepe na masaya siyang makita ang anak na isa nang full pledge cadet na para sa kanya’y malaki na ang tiyansa nitong makapagtapos sa PNPA.

“So happy dahil ‘yun ang pinakamahirap na phase na buhay ng pagiging kadete, plebehood. Ngayon na-recognize ka meaning malaki na tiyansa mo na maka-graduate ka ano pakiramdam n’yo nu’ng nakita n’yo tapos niyakap n’yo? I saw myself in him 39 years ago,” sabi ni Dela Rosa.

Sa recognition rites, 296 na kadete na lamang ng Hinirang Class of 2021 ang nakaabot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?