270

Oct 26, 2020 @ 14:28
By

Anak ng Sultan ng Brunei patay na

Pumanaw na si Prince Haji “Abdul” Azim ng Brunei sa edad na 38.

Sa ulat ng state broadcaster Radio Television Brunei, sinabing sumakabilang-buhay ang pangalawang lalaking anak ni Sultan Haji Hassanal Bolkiah noong Oktubre 24 ng umaga. Nilibing siya sa Royal Mausoleum sa parehong araw.

Napaulat na namatay si Azim matapos ang matagal nang iniindang sakit.

Samantala, sinailalim sa 7-araw na mourning period ang nasabing bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?