1,034

Anak ng Quezon mayor bulagta sa engkuwentro

KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na anak ni Sariaya, Quezon Mayor Marcelo Ga­yeta ang isa sa dalawang napatay sa umano’y engkuwentro laban sa mga awtoridad sa Tayabas City kamakalawa nang umaga.

Kinilala ito na si Christian Gayeta, 21-anyos na dead on-the-spot matapos na umano ay makipagba­rilan sa mga pulis.

Patay din ang kasama nito na si Christopher Manalo, 38, driver at embalmer sa family business ng mga Gayeta na fune­ral home.

Narekober ang isang kalibre .45 at kalibre .22 na baril mula sa dalawa.
Sa inisyal na report ng Tayabas City, nan­laban umano ang dalawang nasawi bandang alas-kuwatro nang madaling-araw noong Huwebes nang habulin ang mga ito ng mga pulis habang magkaangkas sa motorsiklo.

Tinugis ang dalawa ng mga awtoridad nang paputukan ng mga ito ang isang gas attendant ng PTT Gas Station sa provincial road na nag-uugnay sa Tayabas at Sariaya. Hindi naman tinamaan ang attendant.

Duda naman si Ma­yor Gayeta sa pagka­kabaril sa anak kaya hiniling nito na ang National Bureau of Investigation (NBI) ang mag-imbestiga sa insidente.
Nanindigan naman ang Quezon PNP na lehitimo ang nangyaring engkuwentro. (Ronilo Dagos)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?