18

Aug 10, 2020 @ 14:07
By

Anak ng OFW unang Pinay mayor sa England

Umukit ng kasaysayan ang isang anak ng overseas Filipino worker (OFW) matapos nitong magwagi at maihalal bilang pinakaunang Pilipinang alkalde sa England.

Sinilang at pinalaki si Cynthia Alcantara Barker sa San Pablo, Laguna.

Nitong Hunyo, nahalal siya bilang town mayor ng Hertsmere, Hertfordshire.

Bago ito, noong 2015, siya ang naging pinakaunang Pilipina na town councilor sa England. Sa ilalim ng United Kingdom’s Conservative Party, nahalal siya bilang town councilor ng Borehamwood Brookmeadow ward at borough councilor para sa Potters Bar Furzefield ward.

Batay sa Filipino Guide, naninirahan si Mayor Barker sa Hertsmere nang halos 29 taon.

Sa kanyang bagong posisyon, uunahin niya ang pangangalap ng pondo para sa National Society for the Prevention of Cruelty to Children.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,