20
ABANTE tulak arrested jail drug pusher
Apr 4, 2018 @ 16:32
By

Anak ng napatay na drug suspect, naaresto sa P350K shabu

Nadakip ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA-7) ang 18-anyos na lalaki dahil sa pag-iingat nito ng P350,000 na halaga ng shabu sa buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Pahina Central, Martes ng hapon.

Nahuli ng mga ahente ng PDEA-7 ang suspek alas-4:30 ng hapon habang bitbit ang tatlong pakete ng shabu na may timbang na 70 gramo.

Ang suspek ay anak ng hinihinalang drug personality na napatay ng dalawang gunmen sa Barangay San Nicolas, dalawang linggo na ang nakararaan.

Kasamang naaresto ng lalaki ang isang 15-anyos na babae sa ikinasang operasyon.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 at 26 ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawa, na nakakulong ngayon sa PDEA-7 detention facility habang inihahanda ang kaso laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?