192

Dec 6, 2017 @ 12:40

Anak ng ‘kwek-kwek’ vendor, Top 6 sa teachers’ board exam

Nagbunga ang sipag at tiyaga ng isang anak ng “kwek-kwek” vendor nang mapasama siya sa Top 10 ng Licensure Examination for Teachers nitong nagdaang Setyembre 17.

Sa report ng ABS-CBN News, pumang-anim si Princes Bulaclac ranked 6th sa exam na may gradong 91.80 percent. Nagtapos siya sa University of the Philippines – Los Baños.

Sabi ni Princes, kung hindi umano sa walang sawang pagsuporta sa kanya ng kanyang mga mag-ulang hindi niya makukuha ang tagumpay.

Ang ina ni Princes ay nagtitinda ng kwek-kwek samantalang ang kanyang ama naman ay nagpapada ng traysikel

Kasalukuyang nagtuturo sa senior high school si Princes at plano niyang kumuha ng master’s degree sa hinaharap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?