204
Anak ng jeepney driver, ga-graduate na cum laude sa Ateneo
May 30, 2019 @ 15:34
By

Anak ng jeepney driver, ga-graduate na cum laude sa Ateneo

Muling pinatunayan ng anak ng isang jeepney driver na hindi hadlang ang kahirapan para makamit ang pangarap.

Nagsilbing inspirasyon ng kapwa niya mag-aaral si Reycel Hyacenth Bendaña dahil sa nakatakda itong magtapos ng B.A. in Management Economics degree sa Ateneo de Manila University na may bonus pang pagiging Cum Laude sa Mayo 31.

Si Bendaña rin umano ang Student Council president ng Ateneo.

Sa essay na isinulat ni Bendaña na may pamagat na “Prayer for Generosity”, sinabi niyang naging inspirasyon niya ang kanyang ama para mag-aral nang mabuti.

Literal aniyang nakaranas siya ng kahirapan mula sa kawalan ng sapat na makakain hanggang sa pagbibigay ng promissory notes dahil sa delayed tuition fee payments.

“My father is a jeepney driver, whose example taught me to work harder than everyone else—not only because hard work is high dignity but also, while it is no guarantee of success, anything less than that for us would mean complete failure,” kuwento niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?