49

By

Anak ng drug queen na si Yu Yuk Lai, pinakakasuhan na

Sharing is caring!

Pinasasampahan na ng Manila Prosecutors Office ng kaso sa korte ang anak ng binansagang drug queen na si Yu Yuk Lai.

Kinumpirma ni Manila City Chief Prosecutor Edward Togonon na nilagdaan na niya ang resolusyon na nag-aatas na ipagharap ng reklamong possesssion of dangerous drugs o paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban kay Diane Uy, anak ng Taiwanese na si Yuk Lai Sze alyas Yu Yuk Lai.

Nag-ugat ang reklamo laban kay Uy sa pagkakasamsam ng sampung milyong piso na halaga ng shabu sa kanyang condominium unit na ilang metro lamang ang layo mula sa Solano Gate sa Malacanang.

Tinangka pa umano ni Uy na suhulan ang grupo ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino ng limang milyong piso nang sila ay masukol.

Sinabi pa ni Togonon na walang pyansa na inirekumenda para sa pansamantalang paglaya ni Uy. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?