20
soco8

Anak ng chairman, patay sa pananambang sa Cotabato

Nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo ang anak na lalaki ng isang katatalaga pa lamang na barangay chairman sa nangyaring pananambang sa Pikit, Cotabato, Lunes ng umaga.

Kinilala ang namatay na si Ranulfo Bobong Lisundra Bautista, na anak ni Barangay Takepan chairman Santos Bautista, 61.

Nasugatan din ang tserman sa insidente pati na mga kagawad na sina Roberto Midsapak at Robin Salvador.

Ayon sa report, dumalo ang mag-amang Bautista at dalawa pang kagawad sa isang meeting sa gym sa Barangay Takepan at patungo na sana sa Barangay Batulawan sakay ng Bongo pickup truck nang pagbabarilin sila ng mga ‘di pa kilalang lalaki dakong alas-11:20 ng umaga.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa insidente pero posible umanong may kinalaman ang krimen sa katatapos lang na barangay elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?