173

Aug 21, 2021 @ 13:35
By

Anak ng ambassador nag-aaral maging tricycle driver

Dahil sa pandemya, kanya-kanyang diskarte ang mga Pilipino kung paanong kumita.

Maging ang mga artista at may magandang trabaho tulad ng piloto at flight stewardess ay natutong magtinda ng kung ano-ano para maka-survive.

Natutunan ng marami na malaking tulong ang dagdag na skills o kaalaman sa oras ng pangangailangan.

Kabilang na rito ang anak ni Philippine Ambassador to Turkey Raul Hernandez.

Ibinahagi ng PH envoy na nag-aaral na magmaneho ng tricycle ang kanyang anak na law student.

“My law student son, Rafael, is learning to drive a tricycle, maybe as a possible fallback career!” tweet ni Ambassador Hernandez nitong Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?