14

By

Anak nabaril ng ama dahil sa flash drive

Sharing is caring!

Nauwi sa trahedya ang pagtatalo ng isang mag-ama dahil sa flash drive sa Midsayap, North Cotabato.

Ayon sa ulat, aksidenteng nabaril ng ama ang kanyang anak matapos nilang magkaalitan dahil binura umano ng huli ang laman na mga kanta ng flash drive.

Nakakulong ngayon ang 68-anyos na si Nisoporo Subang matapos mabaril ang kanyang anak sa kamay.

Nang hindi umano magkaintindihan ang mag-ama, tinutukan ng baril ni Subang ang anak na tinabig ng huli pero pumutok kaya tinamaan ng bala sa kamay ang biktima.

Kuwento ni Subang, kabibili niya pa lang umano ng USB at pinaglalagyan ng mga kanta para mayroon siyang mapakinggan, pero binura umano ng anak ang laman kaya sila nagtalo.

Samantala, ginagamot na sa ospital ang biktima.

Hindi naman nakasuhan ng frustrated parricide si Subang pero nahaharap ito sa kasong illegal possession of firearms.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }