40

Dec 3, 2020 @ 14:09
By

Anak kinalbo para sa chemo, Anthony Taberna umiyak

Hanga si DZRH anchor Anthony Taberna sa tapang ng kanyang panganay na anak na si Zoey.

Sa kanyang social media accounts, pinakita ni Taberna ang larawan ng kanyang anak na nakangiti at kinalbo para sa chemotherapy.

May leukemia ang isa sa dalawang babaeng anak ng dating Kapamilya reporter.

“Hindi ko akalain na papayag si Zoey na ipakita sa madla ang larawan na ito. Nakangiti siya pero alam kong durog na durog ang puso niya nung nag umpisang malugas ang kaniyang buhok dahil sa chemotherapy,” kwento ni Taberna kagabi.

“Nung pumayag si Zoey na magpakalbo at nalaman kong papunta na sa ospital ang misis ko kasama si Ate Tet, umalis na muna ako. Akala ko ay malakas na ako. Marupok pala.”

“May video habang kinakalbo si Zoey. At tuwing makikita ko iyon, hindi ko mapigil ang pagpatak ng aking luha,” aniya pa.

Sabi ni Taberna, pinost niya ang larawan matapos unang i-post ni Zoey sa social media nito.

“Ang wala o maikling buhok ang isa sa dahilan ng insecurity ni Zoey. Pero nung makita kong ipinost niya, nagpaalam ako na ipo-post ko rin.”

“Hanga ako sa tapang ng aming panganay. I love you, Zoey,” sambit pa ng tatay.

https://www.facebook.com/KaTunyingTaberna/posts/10158175697283517?__cft__[0]=AZVCSze2US3mhC0p4qm-ewOPtvPTXtya8qlVH2rOSfuy2CDCJxYo5qcqobtNiq1ZPEFs1jGyPTrUvEiInUDyXfkrVdYUYKcr2xnYfnpOub08o5figeW_Wmp0c6ciwrrjGveTQzNo4_ZewEKpr00zI0_T&__tn__=%2CO%2CP-R

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?