80

By

Anak iniwan sa fast food resto para magsugal, ina arestado

Dinakip ang isang ina matapos iwanan ang 9-anyos niyang anak sa fast food restaurant para mag-casino.

Ayon sa ulat, rumesponde ang mga pulis sa tawag ng empleyado ng restaurant sa Arizona, United States tungkol sa iniwang bata nang may isang oras na noong June 19.

Dumating si Stacey Rupp sa isang McDonald’s branch kung saan niya iniwan ang batang anak pero huli na dahil andoon na ang mga pulis.

Itinanggi ni Rupp na nagtungo siya sa casino at sa kalapit na palengke aniya siya nagpunta.

Pero sabi ng mga pulis, hindi pumasok sa establisyimento ang suspek at pinapasok mag-isa ang bata saka iniwang mag-isa.

Hindi rin nag-iwan ang 34-anyos na ina ng cellphone sa kanyang anak para makontak siya kapag emergency.

Kulungan ang bagsak ni Rupp, kinasuhan ng child abuse at endangering the life and health of a minor pero pinalaya siya matapos sabihin sa korte na masama para sa anak niya na magkawalay sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?