225

Nov 27, 2018 @ 18:05
By

Amyenda sa Anti-Wiretapping Law, pinagtibay ng Kamara

Aprubado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang amyenda sa Republic Act 4200 o Anti-Wiretapping Law.

Sa botohan, pinaboran ng 215 mga kongresista ang House Bill 8378.

Sa ilalim ng panukala, mas marami na ang krimen na puwedeng maisailalim sa wiretapping ng mga otoridad dahil maisasama sa itinatakdang exemption.

Kabilang dito ang kudeta, robbery in band, anti-piracy at anti-highway robbery law at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law.

Puwede na ring isailalim sa wiretapping maging ang mga tiwali sa gobyerno, mga sangkot sa money laundering at syndicated illegal recruitment.

Pero binigyang-diin sa panukala na kailangang may court order para maisagawa ito ng mga awtoridad.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, pinapayagan lamang ang wiretapping base sa court order para sa mga kasong may kaugnayan sa seguridad ng bansa kabilang ang treason, espionage, panunulsol ng giyera, rebelyon at terorismo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?