301

Oct 30, 2018 @ 17:45

Amy, Kim magkasalo sa ‘Sakto’

Muling napapanood sa umaga si Kim Atienza sa pagpasok niya sa programang ‘Sakto’ ni Amy Perez sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630. Magkasama nga sila ni Amy sa mga makabuluhang talakayan sa mga mahahalagang isyu sa bawat pamilyang Pilipino, sa pagbibigay ng mga tip at payo sa kalusugan, pangangalaga ng anak, at pati na pag-ibig, maliban sa pinakamainit na mga balita sa araw na iyon.

Samantala, DZMM Radyo Patrol 630 pa rin ang una at laging pinakikinggan sa Mega Manila base sa Kantar Media Radio Survey. Sa ikalawang quarter ng taon, nakakuha ang DZMM ng audience share na 25% kumpara sa 22% ng DZBB at 21% ng DZRH.

Samahan sina Kim Atienza at Amy Perez sa “Sakto” tuwing 10 am mula Lunes hanggang Biyernes sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?