179
Amusement center sa Recto, sinalakay ni Mayor Isko
Aug 1, 2019 @ 11:14
By

Amusement center sa Recto, sinalakay ni Mayor Isko

Pinangunahan ni Mayor Isko Moreno ang pagsalakay sa amusement center sa isang mall sa Recto Avenue, Manila dahil sa mga illegal gaming machine.

Ni-raid nitong Miyerkoles ang amusement center sa loob ng Isetann Mall kung saan nadiskubre ang mga fruit game at video karera.

Isinagawa ang raid matapos ang mga ulat na nalululong ang mga kabataan sa paglalaro ng fruit game at video karera imbes na pumasok sa paaralan.

Nilabag umano ng amusement center ang Presidential Decree No. 1602, na nagbabawal sa iligal na sugal.

Samantala, pinag-aaralan pa kung anong isasampang kaso laban sa mall.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?