32

Feb 17, 2020 @ 22:03
By

Amsali, Sanchez, Ynot bagong pangil ng San Beda

Mananatili ang bangis ng San Beda University Red Lions sa parating na NCAA Season 96 men’s basketball tournament dahil may mga malulupit na bagong player.

Tiniyak ng SBU na sasalang sina Rhayyan Amsali, big man Justine Sanchez at ang defensive player Tony Ynot.

Ayon nitong Lunes kay team manager Jude Roque, masaya ang beda sa naging desisyon ng tatlo dahil sila ang mga kapalit sa mga nawalang key player sa nakaraang season.

“They will surely add more depth to our team, which as you all know lost key players from last season,” saad ni Roque.

“They will also add championship experience to our young roster, having won the NCAA Juniors title last year.”

Nasa kalagitnaan ng preparasyon ang Mendiola-based squad, nakatakdang magsimula naman ang seniors hoops ng nasabing liga sa Agosto 1.

Pinangunahan nina Amsali, Sanchez at Ynot ang Red Cubs upang talunin ang Lyceum-Cavite sa finals at angkinin ang titulo sa juniors division sa nakalipas na taon.

May taas na 6-foot-3, nag average si Amsali ng 16.6 points, 9.0 rebounds, 4.1 rebounds at 1.6 steals para sa San Beda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?