1,038
crime-scene-dead
By

Ampon na anak, ginahasa at tsinap-chop ng mga magulang

Kinasuhan ng rape, murder at dismemberment ang isang mag-asawa matapos mapatunayang gawa-gawa lang ang pinalutang nitong nagpakamatay ang inampon nilang anak na may kapansanan.

Ayon sa The Daily Beast report, ginahasa ng mag-asawang taga-Pennsylvania ang 14-anyos nilang anak para sa kanilang “pantasya”.

Matapos ang ginawang krimen ay pinagkakitaan pa ng mag-asawa ang pagkamatay ng biktima matapos kolektahin ang death claim sa Social Security.

Nawala na umano sa kanilang bahay sa Abington, Pennsylvania ang 14-anyos na si Grace Packer noon pang Hulyo.

Depensa ng nag-ampon na nanay na si Sara Packer, 41, nagnakaw umano si Grace at tumakas.

Pero natagpuan ng mga hunter ang ulo at katawan ni Grace sa kakahuyan noong Halloween at makalipas ang ilang araw ay nakita naman ang mga paa at kamay nito.

Umamin ang mister nitong si Jacob Sullivan, 44, sa ginawa nilang krimen ni Sara dahil sa sexual fantasy.

Naaresto ang dalawa noong Sabado.

Isinagawa umano ang krimen noong Hulyo 8, 2018 kung saan nakatulog si Grace sa sasakyan ng mag-asawa.

Nang makarating sa kanilang bahay ay sinimulan nang bugbugin ng mga salarin si Grace at dinala sa third-floor attic.

Doon umano ginahasa ni Sullivan si Grace habang nanonood si Sara.

Matapos ay pinainom ito ng mga gamot at iniwan sa closet para mamatay.

Nang magbalik sila ay hindi nila inakalang buhay pa ang biktima kaya pinatay na ito ni Sullivan at tsinap-chop saka inilagay sa cat litter para hindi mangamoy.

Makalipas ng tatlong araw, ini-report ni Sara na nawawala si Grace matapos umano nilang magtalo sa $300 na ninakaw umano ng huli.

Nagduda ang mga pulis dahil hindi nakikipag-cooperate si Sara at patuloy ang pagkolekta nito ng disability claim ng ampon na anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?