50
SC binasura ang petisyon kontra indigenous people ng Boracay
Sep 11, 2019 @ 14:51
By

Ampatuan bawal magpiyansa sa Maguindanao massacre – Korte Suprema

Dahil sa kawalan ng merit ay tuluyan nang ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon ni Dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan na pahintulutan itong makapaglagak ng piyansa para sa kanyang kinahaharap na 58 bilang ng kasong murder kaugnay ng Maguindanao massacre.

Sa resolusyon ng First Division ng Korte Suprema na may petsang July 22, 2019, sinabi na nabigo ang petitioner na si Ampatuan na patunayang may “reversible error” o pagkakamali sa naunang desisyon ng Court of Appeals, kung saan unang ibinasura ang kanyang hiling na application for bail.

Ang mga inilahad na argumento rin ni Ampatuan sa kanyang petisyon kasama na ang pagtanggi na siya ay sangkot sa krimen at ang kanyang mga alibi, ayon sa Korte, ay maituturing na mga factual issue na pinakamainam na matalakay sa isang full blown trial.

Iginiit din ng Kataas-taasang Hukuman na magiging premature din umano kung magpapasya ang Korte Suprema nang lagpas sa itinatakda ng judicial review dahil maaari umano na mapangunahan nila ang mga partido sa pagpiprisinta ng ebidensya sa trial ng kaso.

Nag-ugat ito nang makipagsabwatan umano si Ampatuan sa pagpatay sa limampu’t walong biktima, kasama ang mahigit tatlumpung mamahayag, noong November 23, 2009 sa Sitio Masalay, Barangay Salman sa bayan ng Ampatuan.

Una nang ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court ang kanyang application for bail dahil malakas umano ang ebidensyang iprinisinta ng prosekusyon para sabihing siya ay maaring guilty sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?