1,085

By

Amoy ni Vic Sotto binuking ni Danica

Isa sa pinagpapasalamat ni Danica Sotto ang pagkakaroon ng ama na katulad ni Vic Sotto.

Sa kanyang #12daysofgratitude post kamakailan, sinabi niyang hindi sila madalas magkita ng kanyang daddy Vic pero kapag nagkita naman sila ay hindi niya mapigilan na yakapin ito.

Lambing daw niya ito sa kanyang ama, at dahil sa huggable at laging mabango ang comedian.

“#12daysofgratitude Day2 – Grateful for Dad. I don’t get to see our Dad everyday but whenever I do, I can’t help but hug him kahit for a few seconds lang. That’s also my lambing to him. He’s so huggable plus he ALWAYS smells good! Love you Daddy! @mzet280,” sambit ng panganay ni Vic.

“FUN FACT: Our Dad loves perfume or cologne that smells fresh and not the ones with musky or strong scents. He’s into scents that smell clean. Always so mabango!” dagdag pa niya.

Si Danica ay anak ni Vic kay actress Dina Bonnevie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?