372

Jul 14, 2021 @ 22:59
By

Amoy ‘Baby Johnson’! Netizens nainlab sa batang Kris Aquino

Trending topic sa Twitter Philippines si actress Kris Aquino nitong Miyerkoles.

Ito ay matapos mag-viral ang video niya noong teenager pa lamang siya.

Kasama siya noon sa isang interview sa ina niyang si dating Pangulong Cory Aquino.

Anang mga netizen, mula noon hanggang ngayon ay nangingibabaw ang kagandahan ni Kris.

May nagbiro pang sa sobrang pretty ni Kris ay tila “amoy Baby Johnson” ito o amoy baby.


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?