85

Oct 2, 2017 @ 18:07

AMLC, kakasuhan ni Trillanes

Nagbanta si Senador Antonio Trillanes IV na sasampahan na ng kaso ang mga tauhan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kung hindi pa aaksyunan ang kanyang hinihinging imbestigasyon sa mga bank accounts ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyan ni Trillanes ng dalawang linggo ang AMLC para ilabas ang report sa kanilang pagsisiyasat at kung hindi ay maghahain na siya ng kasong paglabag sa RA 6173 o Code of Conducts and Ethical Standards.

“Sinabihan ko na ang AMLC within the next two weeks pag di inaksyunan ang aking sulat, kakasuhan ko sila ng violation of 6713. AMLC gawin mo trabaho mo,” saad ni Trillanes.

Sinita rin ni Trillanes ang AMLC sa mistulang pag-aabswelto kay Pangulong Duterte hinggil sa bilyung-bilyong halaga ng account nito sa BPI.

“Isang buwan nang nakatengga yung request ng Ombudsman sa kanila so its high time na isubmit nila yang report na yan para magkaalaman na kung ano ang katotohanan,” dagdag ni Trillanes.

Muli ring hinamon ni Trillanes ang Pangulo na lumagda sa waiver kung sadyang wala itong itinatago sa kanyang accounts. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?