55

Jul 19, 2019 @ 11:17
By

Amit bubuksan ang Predator 10-Ball

Pangungunahan ni Bernie Regalario ang youth junior invasion sa pagsargo ng Makati Pool Players Association (MAPPA) Predator-Volturi 10-Ball Cup 2019 ngayong araw sa AMF-Puyat Superbowl and Billiards Center sa Makati Cinema Square sa Makati City.

Makakasama ni Regalario ang mga kakampi sa Wilde Blu Junior na sina Dexter Barnido, Kayla Herrera, Rey Calanao, Raphael Andrew Gonzalez at Elija de Mesa.

Nakataya ang mahigit P250,000 cash bilang mga premyo sa three-day event.

Ang iba pang favorite pool players dito ay sina Copper Electronics Expertise, Inc. president engineer Vergel Recaido, Architect Eric Salud, Trexie Alix, Jaime Evangelista at Dr. Christian Mancao.

Si world champion Rubilen Amit na sariwa pa sa runner-up finish sa 32nd Japan 9-Ball Open sa New Pier Hall sa Tokyo nitong Lunes ang mangunguna sa opening rites.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?