40

By ,

Amir Khan kating-kati makipagsapakan kay Pacman

Sharing is caring!

Kung papalaring manalo sa Sabado (Linggo sa Pilipinas) kontra kay Samuel Vargas, gusto ni British boxer Amir Khan na makaharap si eight-division world champion Manny Pacquiao sa susunod niyang laban.

Maghaharap sina Vargas at Khan bukas sa Birmingham Arena sa United Kingdom at ang may umuugong na balita na nais na kanyang promoter na si Eddie Hearn na makaharap nito si Kell Brook sa susunod nitong laban.

Pero kung si Khan mismo ang tatanungin mas gusto niyang makaharap si Pacquiao dahil ito aniya ang magiging basehan ng kanyang career.

“Who would I rather face next? Pacquiao, definitely,” saad ni Khan ayon sa balita ng Press Association. “I’d love the Manny Pacquiao fight. I think that’s going to be the defining fight – that is going to put me where I need to be in boxing. If I beat Manny Pacquiao that would put me where I want to be.”

Nagkaroon sana ng pagkakataon si Khan na makaharap noong 2017 si Pacquiao sa Dubai pero hindi ito natuloy bagkus si Jeff Horn ng Australia ang nakalaban nito.

Inamin din nito na isa ng alamat si Pacquiao sa boxing at para sa kanya, isa ito sa pinakamalaking laban ng kanyang karera kung sakaling makaharap niya si Pacquiao.

Hindi rin aniya tungkol sa legacy ang dahilan kung bakit kating-kati siyang makaharap si Pacquiao dahil mas gusto niyang maalala siya bilang isang magaling na boksingero.

“It’s not about that. I just want to fight the best and beat the best out there and be remembered as a great fighter,” pagtatapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?