90

By

Amin pa rin ‘yan – Tolentino

Nawala man ang twice-to-beat bonus sa Final Four pairing nila kontra Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws, naniniwala pa rin si graduating spiker Kat Tolentino na ang Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles pa rin ang tutuntong sa championship round para makaharap ang naghihintay sa finals na University of Sto. Tomas (UST) Golden Tigresses sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.

“We still believe we can do this,” maikling pahayag ni Tolentino, na sinabing handa na rin sa knockout game semis nila kontra FEU alas-3:30 Miyerkoles ng hapon sa The Arena sa San Juan City.

Nanaig ang Lady Tamaraws sa Game 1 ng serye 25-10, 23-25, 22-25, 25-12, 8-15 nitong Sabado para maipuwersa ang rubbermatch.

Lumagare ng 21 puntos si Tolentino katuwang ang 16 at 13 markers nina middle blockers Bea de Leon at Maddie Madayag pero hindi pa rin ito sapat.

Sa panig ni Ateneo coach Oliver Almadro, sinabi nitong hindi siya nawawalan ng tiwala sa kanyang koponan.

“I still have no doubt,” sambit ni Almadro.

Makakatulong pa rin nina Tolentino, De Leon at Madayag sa Ateneo sina open spikers Jules Samonte, Ponggay Gaston at setter Deanna Wong sa pagnanais na makasampa sa finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?