120
amihan
Jun 18, 2018 @ 14:41
By

‘Amihan Pilipinas’ magbabalik?

Kung ang Philippine basketball team ay may Gilas Pilipinas at Perlas Pilipinas, ano naman kaya ang pwedeng bansag sa mga malulupit na balibolista ng Pilipinas na papalo sa 18th Asian Games sa Palembang, Indonesia ngayong Agosto?

‘Yan ang tanong ni Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. president Jose Romasanta, isa sa bumuo ng volleyball national team pagkatapos ng 36 taon.

“A name that can represent the Philippines well. It’s all about branding but at the same time we want our own identity. Something with a patriotic connotation,” ani Romasanta.

Naniniwala rin si Romasanta na kumpleto na ang koponan pagdating sa mga manlalaro at coaches, pangalan na lang ang tanging kailangan nila.

“This is the strongest Philippine team I’ve seen. They all want to be part of this team. Others are even volunteering to be just part of the pool,” dagdag niya pa.

‘Hiyas ng Pilipinas’ at ‘Sinta ng Pilipinas’ ang ilan sa mungkahi sa social media ngunit nangunguna ang bansag na ‘Amihan Pilipinas’ na dati nang ginamit noong 2015.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?