90

By

Amerikanong wanted sa rape, ipapatapon palabas ng bansa

Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang Amerikanong 20 taon nang pinaghahanap ng batas sa Alaska dahil sa kasong rape.

Kinilala ang Kano na si Carmen Daniel Perzechino Jr., 57-anyos.

Nadakip siya ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI sa kanyang apartment sa Angeles City, Pampanga.

Ang US Embassy sa Manila umano ang humiling na maaresto si Perzechino matapos mapag-alamang nasa bansa ang pugante.

Samantala, kinansela na ang pasaporte ni Perzechino para bigyang-daan ang agarang deportasyon nito bilang undocumented alien.

Nahaharap siya sa Alaska sa mga kasong two counts ng sexual assault in the first degree at one count ng kidnapping with sexual assault.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?