13

Amerikanong scuba diver, nawawala sa karagatan ng Batangas

Sharing is caring!

Nagkasa ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard para hanapin ang nawawalang Amerikanong scuba diver, na hindi na nakaangat sa tubig matapos sumisid noong Miyerkoles ng hapon sa Anilao, Batangas.

Ayon sa report ng dzbb, kinilala itong si Andrew Kildride, na naglaho matapos mag-dive sa Cathedral dive site sa bayan ng Anilao.

Alas-kuwatro ng hapon kasama ang kanyang kaibigan nang sumisid sa karagatan si Kildride pero hindi na ito nakita pa.

Ayon sa mga lokal na divers sa lugar, na malalim ang naturang dive site at malakas ang alon dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?