198
boracay-resort
Apr 30, 2018 @ 12:10

Amerikanong resort owner sa Boracay, inaresto ng BI

Dinampot ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Amerikanong turista dahil sa iligal na pag-o-operate ng beach resort sa isla ng Boracay.

Kinilala ito ni BI Commissioner Jaime Morente na si Randall Lee Parker, 52-anyos.

Hinuli ito noong Abril 25 sa loob ng The Artienda, ang resort na iligal nitong pinapatakbo sa Station Two ng Boracay.

Ayon kay Morente, ipinag-utos niya ang pagdakip kay Parker dahil sa reklamo na isinampa laban dito, na nagpapatakbo ng resort na wala namang kaukulang work permit o visa.

Nakatakda na umano itong ipa-deport dahil sa iligal na pagtatrabaho sa bansa, ayon pa sa BI chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?