30

By

Amerikanong pari sa Biliran, inaresto sa mga kaso ng pangmomolestiya

Sharing is caring!

Isang Amerikanong pari ang dinakip ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit dahil sa pagiging wanted sa kasong rape at pangmomolestiya.

Kinilala ng BI ang dayuhan na si Kenneth Bernard Hendricks, 77 taong gulang.

Nabatid na 37 taon nang nagsisilbi bilang pari sa Pilipinas ang akusado.

Isinagawa ang pagdakip sa lalawigan ng Biliran katuwang ang mga awtoridad mula sa Amerika.

Ito ay sa bisa na rin ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa Amerika dahil sa pangmomolestiya umano ng pari.

Ayon sa BI, maituturing na banta sa kaligtasan at seguridad ng publiko si Hendricks dahil siya ay isang pugante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }