baril

Amerikano dedo sa away sa bar

Sharing is caring!

Pinatay sa pamamagitan ng pagbaril ang isang American national ng kapwa nito kostumer at 18-anyos na pamangkin sa isang bar sa Silay, Negros Occidental.

Ayon sa ulat, tumanggi ang 57-anyos na biktima na si Eric Hendrickson na ibigay ang hinihinging beer ng mga suspek.

Dahil dito, ininsulto ng mga suspek ang biktima sa lokal na dayalekto na hindi maintindihan ng huli.

Sa lumalang away, binaril ng matandang suspek ang biktima ng ilang beses sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Agad namang tumakas ang mga salarin matapos ang krimen pero naharang din ng mga pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?