222

Mar 1, 2019 @ 22:46
By

Amerika naglaan ng $1M reward vs anak ni Bin Laden

May alok na $1 million reward ang United States sa makapagbibigay ng anumang impormasyon sa kinaroroonan ng anak na lalaki ni Al-Qaeda leader Osama bin Laden.

Marami na umanong espekulasyon ang naglalabasan hinggil sa kinaroroonan ng tinaguriang “Crown Prince of Jihad” na si Hamza bin Laden.

May mga nagsasabi umanong nasa Pakistan ito, sa Afghanistan o sa Syria o nasa house arrest sa Iran.

Pinahahanap ng Amerika si Bin Laden, na nasa 30-anyos umano ang edad, dahil nagbanta ito ng pag-atake sa Amerika para iganti ang pagkamatay ng kanyang ama noong 2011.

Nakikita rin umano ng Amerika na susunod sa yapak ni Osama bin Laden ang kanyang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?