125
American national

American national natagpuang patay sa kulungan

Patay na nang matagpuan ang isang Amerikano sa loob ng isolation room ng Bureau of Immigration (BI) Detention Center sa Camp Bagong Diwa, Taguig City noong Huwebes.

Ayon sa report ng Taguig City police, natagpuang patay ang 55-anyos na American national na si William Mark St. Cyr sa BI isolation room noong Huwebes, alas-7:35 nang umaga.

Ayon sa Taguig police, bibigyan na ng pagkain ni Loreto Abacia, food server, si St. Cyr para sa kanyang almusal bandang alas-7:15 nang umaga nang sumambulat sa kanila ang Amerikano na nakahubad at nakadapa sa kanyang kama.

Ayon pa sa report, nang makita ni Abacia ang bangkay ay pinagpatuloy lang ni Abacia ang pag-serve ng pagkain sa ibang detainee at bandang alas-7:35 nang umaga matapos bigyan ang ibang detainee, saka sinabi nito kay security guard Mario Paelan ang nakita tungkol kay St. Cyr.

Nang makita ang American national na wala nang buhay, saka sinabi sa detention warden ang pangyayari.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Taguig police ang insidente. (AV)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?