190
American national, huli sa pekeng passport
Apr 7, 2019 @ 20:24
By

American national, huli sa pekeng passport

Arestado ang isang American national matapos iprisinta ang kanyang pekeng passport sa Bureau of Immigration (BI) sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kamakalawa.

Kinilala ni BI Port Operations Division chief Grifton Medina, ang American national na si Elmer Doller, 49-anyos na agad na hinuli matapos bumaba mula sa Doha, Qatar at iprisinta sa BI ang dalang pekeng passport sa loob ng NAIA Terminal 3.

Nabatid na walang security feature at hindi ma-detect ng passport reader ang pasaporte ng suspek kaya hinold muna ito.

Giit naman ni Doller na genuine ang kanyang passport at ang kanya umano ina ay isang Filipina na kung saan nakuha niya ang passport mula sa isang kaibigan na taga-Cavite.

Dinala si Doller sa BI Detention Facility sa Taguig kasabay ng pagsasampa ng kasong paglabag sa immigration laws.

Samantala, isa naman Pinay ang hinold rin matapos maudlot ang pagpunta sana sa Spain dala ang pekeng Schengen visa.

Pansamantalang hindi pinangalanan ang Pinay na kasalukuyang nakakulong sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa imbestigasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?