76

Jul 28, 2021 @ 12:44

American Gymnast Simone Biles umatras sa finals ng Tokyo Olymics

Umayaw na sa paglalaro para sa finals ng Tokyo Olympics ang American Gymnast na si Simone Biles. Aniya, kailangan niya kasing protektahan ang kaniyang katawan at mental health.

“I have to focus on my mental health and not jeopardize my health and well-being. It just sucks when you’re fighting with your own head,” anang 24 anyos na atleta sa panayam ng CNN.

Sambit pa ng gymnast, “[We are] just athletes, we’re people at the end of the day.”

Dahil sa pagkalas ni Biles sa Team USA sa finals, nasungkit ng Russian Olympic Committee ang gold medal at silver naman ang naiuwi ng Team USA. Bronze naman ang nakuha ng Great Britain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?