43

Oct 21, 2021 @ 18:35
By

American actress nadamay sa Kylie-Aljur issue

Nadamay sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ang isang American actress-writer.

Umabot kasi kay American actress-writer Kylie Brakeman ang isyu.

Sa Twitter ipinakita ni Brakeman ang screenshot ng message sa kanya ng isang Filipino netizen na idinamay siya sa isyu.

Napagkamalan ng netizen na si “Kylie Padilla” ang pinadalhan niya ng mensahe.

“Hey kylie whats the truth?” message ng netizen.

Reaksyon ni Brakeman: “I really didn’t know what I was expecting.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?