67

Dec 19, 2019 @ 9:07
By

Amer umaray sa mga kurot ni Pogoy

Nakabawi ang Meralco Bolts sa TNT KaTropa, 114-94, sa Game 2 ng kanilang best-of-five semifinal series Martes ng gabi.

Pero ang bayani ng Bolts sa laban na si Baser Amer, umaaray.

Parang batang nagsumbong sa media si Amer dahil umano sa nakakasakit nang mga kurot sa kanya ni RR Pogoy ng TNT.

“Actually last game parang… ang dami niyang kurot sakin eh. Nandyan yung mga coaches mga teammates ko na ‘Okay lang… baka kurutin ka ulit, okay lang basta galingan mo lang wag ka magpaapekto,’” ani Amer.

“Kasi ang daming kurot sa tiyan ko sa legs ko, last game ang dami. Hopefully makita ng referee yun kasi hindi na basketball kasi ‘yun eh.”

Pero kahit na ganun man ang binibigay sa kanya ng kalaban niya ay dedma lang ito at hindi siya magpapaapekto sa ginagawa ng former FEU Tamaraw.

“Okay lang andyan naman yung mga teammates ko. Gawin niya ulit sa Game 3, Game 4, or maybe Game 5, laro lang ako. Focus lang ako sa game. Gusto ko lang is manalo,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?