46
Amer, Newsome ‘di sumuko: Meralco matibay sa double OT vs NorthPort
By

Amer, Newsome ‘di sumuko: Meralco matibay sa double OT vs NorthPort

Sa larong matira-matibay, nangibabaw ang kabayanihan ni Baser Amer para sa Meralco Bolts kontra sa NorthPort Batang Pier sa double overtime victory, (score), Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa kabuuan ng laro, tila walang gustong bumitaw, tanging pitong puntos lamang ang pinakamalaking kalamangan ng Meralco na itinarak noong second quarter, 28-35.

Sa huling 30 segundo, tila abot na ng NorthPort ang panalo sa anim na puntos na kalamangan, 106-100 mula sa layup ni Moala Tautuaa at apat na free throw nina Sean Anthony at Stanley Pringle.

Ngunit hindi sumuko ang Meralco sa pangunguna ni Newsome at Cliff Hodge, Unang bumutas si Newsome, na-foul sa three-point attempt ni Robert Bolick na napasok ang dalawang free throw ngunit mintis ang huli.

Swerte namang napulot ni Hodge ang bola para sa putback at maibaba sa dalawa ang kalamangan, 104-106.

Pagkabalik sa NorthPort ng possession, kaagad namang naka-trap sina Nico Salva at Newsome, 3-4 segundo ang nalalabi. Sa offensive set ay matagumpay ang alley-oop play ni Newsome at John Pinto para mapaabot sa overtime ang laro.

Sa extra period, nagpakawala ng 5-0 blast ang NorthPort sa bias ng layup ni Tautuaa at Anthony, 111-106, ngunit nakabalikwas ang Meralco na lumapit sa dalawang puntos sa bisa ng tres ni Amer at floater ni Newsome, 113-111, na itinabla ni Salva para muling makatungtong sa double overtime.

Sa ikalawang overtime, si Amer naman ang pumukol nang pambaon na mga tira, nagpakawala ng eight point scoring run sa bisa ng dalawang tres ng Meralco guard, na kaagad naman sinagot ni Pringle para mailapit muli ang NorthPort, 123-121, ngunit sinelyuhan na ng charities nina Newsome at Salva

Tumapos si Newsome ng may 28 points, 12 rebounds at pitong assist, sumungkit naman si Amer at Hodge ng tig-23 puntos para sa ikatlong panalo sa walong laro

Habang nasayang naman ang 33 markers ni Anthony at 31 points ni Pringle na nakamit ang ikaapat na talo ng NorthPort.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?